DSWD, hinimok na tumulong sa mahihirap gamit ang 4Ps kung hindi maipapasa ang Bayanihan 3

Naikusap si Senator Risa Hontiveros sa Department of Social Welfare and Development na mabigyan ng ayuda ang mga pamilya na makokonsidera bilang “poor” at “near poor” kung maninindigan ang Malacañang na huwag aprubahan ang panukalang Bayanihan 3.

Sa isang pahayag, ay iginiit ni Hontiveros ang kaniyang suhestyon para sa DSWD na gamitin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Listahan 3 para sa ayudang pinansyal.

Ipinunto niya na kasama na sa naturang listahan ang mga pamilya na makokonsidera bilang “poor” sa 2022.

Nanawagan rin ang senadora sa DSWD na tulungan ang mga “near poor” o ang mga indibidwal na nakararanas ng kagutuman oras na matigil ang kanilang hanap-buhay sa loob ng maraming linggo.

Binigyang diin ni Hontiveros na kung ito ang gagamitin ng Malacañang upang makapag-abot ng suporta sa mga piling pamilya na nawalan at mawawalan pa ng hanapbuhay, ay sasangayunan niya ang pagpapaliban sa Bayanihan 3.

Mababatid na layon ng Bayanihan 3 na popondohan ng P405-billion na maibangon ang ekonomiya at matulungan ang mga low-income families na apektado ng COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *