DSWD maghahanda na ng tulong para sa mga mangingisda sa Camarines Sur apektado ang hanapbuhay dahil sa Habagat

NAGA CITY- Hindi nakapagpalaot ang maraming mangingisda sa Camarines Sur dahil sa sungit ng dagat , pinalakas ng Super Typhoon Egay ang Habagat na nagdudulot ng malalakas na alon lalo na sa mga coastal waters ng mga bayang nabanderahan ng noon Signal No. 1

Kaya naman ang Provincial Government ng Camarines Sur nakipag-ugnayan na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Office upang mabigyan  ng ayuda ang nasabing apektadong sektor. Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Claudio Villareal ng DSWD Bicol. Aniya hinihintay lamang nila ang opisyal  na ulat ng mga LGU kung ilan ang kailangan.

Oras na magkaroon ng nararapat na datus , kaagad itong ipapamahagi ng mga LGU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *