Early registration ng DepEd, nakapatala ng higit-kumulang 4.2-M para sa Kinder, Grade 1-7, 11

Tinatayang 4.2 milyong incoming learners sa Kindergarten, Grade 1, 7 at 11 ang nakiisa sa Early Registration na isinagawa ng Department of Education (DepEd) para sa susunod na school year.

Batay sa ulat, 4,198,932 mga-aaral ang nakilahok sa maagang pagpapa-register para sa School Year (SY) 2023-2024 as of June 13.

Mula rito,  970,190 ang Kindergarten; 1,392,698 ang Grade 1; 971,149 ang Grade 7; at 864,895 naman ang incoming Grade 11 learners.

Higit na mas mataas ito kumpara sa datos na naiulat noong SY 2022- 2023 na 4,129,561.

Mababatid na binuksan ng ahensya ang early registration para sa mga incoming Kindergarten, Grade 1, 7 at 11 sa mga pampubliko paaralan noong May 10, at nagtapos ito noong June 9. //SM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *