El Niño, humihina na ayon sa PAGASA

Iniulat ng PAGASA na bahagyang humihina na ang El Niño.

Ayon kay PAGASA-Climatology and Agrometeorology Division weather specialist Joey Figuracion, papunta na ang bansa sa sinasabing transition kasabay ng paghina ng epekto ng tag-init.

Sa kabila nito, nilinaw ni Figuracion na hanggang Mayo pa rin ang tag-init period.

Posibleng matapos ang El Niño bago matapos ang buwan ng Hunyo.

Samantala, ngayong araw, posibleng umabot pa rin sa ‘danger level’ ang heat index sa 33 mga lugar sa bansa.

Ilan sa mga lugar na ito ay ang Aparri, Cagayan; Aborlan, Palawan; Bacnotan, La Union; Cubi Point, Subic Bay, Olongapo City; Sangley Point, Cavite; Coron, Palawan; at San Jose, Occidental Mindoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *