Luzon at Visayas grids, isasailalim muli sa yellow alet status ngayong araw

Isasailalim muli ng National Grid Corporation of the Philippines sa yellow alert ang Luzon at Visayas grids ngayong araw.

Ito’y dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Batay sa abiso, ilalagay sa yellow alert ang Luzon grid sa mga oras ng alas 2 hanggang alas 4 ng hapon at alas 8 hanggang alas 10 ng gabi.

Labing apat na planta kasi ang nagkaroon ng forced outage ngayong April 2024 habang 2 planta ang tumatakbo sa kulang ng kapasidad dahilan para maging unavailable ang 1,512.7MW.

Samantala, ilalagay din sa yellow alert ang Visayas grid sa mga oras na alas 1 hanggang alas 4 ng hapon at mauulit muli sa alas 6 hanggang alas 7 ng gabi.

Labing apat na planta kasi ang may forced outage ay may 8 planta ang tumatakbo sa kulang na kapasidad dahilan para maging unavailable ang 604.1MW sa grid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *