Empleyado sa isang kompanya sa Tsina, pinatalasik sa trabaho dahil sa hindi nito nakayahan ang mandatory 5km race sa loob ng 30 minuto

Isang manufacturing company kamakailan sa Tsina ang nakatanggap ng pambabatikos sa mga Chinese netizens dahil sa pagsisante nito sa kanilang empleyado dahil sa hindi nito nakayahan ang umano’y mandatory 5km race para makapasa sa kaniyang probationary period.

Nang nag-apply ang nasabing empleyado sa kompanya, wala umanong sinabi na kahit ano patungkol dito, naipasa niya naman umano ang practical tests ngunit siya’y kinonsidera muna bilang probationary employee.

Nabigla na lamang umano ito dahil mandatory ang nasabi pagtakbo at nung dumating ang araw na ito, hindi niya umano ito nakayahan lalo’t napakainit ng panahon no’ng araw na iyon.

800 km pa lamang umano ang kaniyang natatakbo nang makaramdam na siya ng mga sintomas ng heat stroke, kaya hindi niya na ito tinapos at bumalik na lamang sa opisina.

Makaraan ang isang araw, agad siyang binabaan ng memo ng kompanya kung saan, nakasaad rito na hindi siya nakapasa sa kaniyang probation period at sisante na sa trabaho.

Dahil sa pamamalakad na ito, kinasuhan ng empleyado ang kompanya sa korte kung saan, dininig at pinanigan siya nito at naniniwalang isa itong illegal termination.

Sa kadahilanang ito, pinabayad umano ng korte ang kompanya ng 7000 yuan o katumbas ng P53, 000 bilang compensation sa pinatalsik na empleyado. |WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *