11-anyos mula Batangas, humakot ng medalya sa WCOPA

Tunay na walang papantay sa galing nating mga Pilipino sa larangan ng pag-awit, pag-sayaw at pagtugtog ng iba’t-ibang instrumento.

Kagaya ng 11 anyos na mag-aaral mula sa Barangay Darasa, Tanauan City Batangas na humakot ng maraming award sa katatapos lamang na 26th World Championship of Performing Arts  o WCOPA na ginanap sa Amerika. Siya si  Yeuhan Santi Yñigo Millo.

Sa kanyang murang edad, ilan lamang naman sa kanyang mga achievements sa WCOPA ngayong taon ay Semi-finalist Awardee; Champion of the World Division Winner- Latin Category; Gold Medalist-Opera Category; Gold Medalist-Latin Category; Silver Medalist-Rock Category; Silver Medalist-Casual Modeling; Silver Medalist-Formal Category; at Bronze Medalist-RNB/Jazz/Soul Category.

Sa panayam ng Brigada Batangas kay Yeuhan, limang taong gulang pa lamang siya nang matuto siya sa larangan ng performing arts, at walong taong gulang naman ito ng magsanay sa pagkanta.

Aniya, ang kanyang Mommy Sandee ang naka-diskubre ng kaniyang talento at ito rin ang nagtulak at sumuporta sa kaniya na mag enroll sa mga workshops, gaya ng singing, dancing, and instrumental.

Ang WCOPA ang kauna-unahang kompetisyon na kaniyang sinalihan.

Ibinhagi ni Yeuhan na isa ang kanyang lolo sa mga naging inspirasyon niya sa paglaban sa WCOPA lalo na raw at naaalala niya kapag kumakanta ito sa videoke.

Masayang masaya din daw siya na makitang sobrang proud ang kanyang mommy sa lahat ng kanyang achievements.

Isa lamang si Yeuhan sa mahigit isandaang delegado ng Pilipinas sa naabing patimpalak.

At ngayong taon, ang Team Pilipinas ang tinanghal na grand champion sa WCOPA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *