Employment rate sa Bicol region nasa 93.6 %-DOLE Official

NAGA CITY –Hinahangad ngayon Department of Labor and Employment –Bicol na tumaas pa ang employment rate sa kasalukuyang minimum wage na P395 pesos, kaugnay sa mga isinagawa nilang sabay-sabay na mga jobs fair sa mga lalawigan kaugnay sa pag obserba ng Labor Day, kahapon Mayo uno.

Ayon kay DOLE OIC-Asst. Regional Director Atty. Joan Noya-Nidua sa pakikipag-usap niya sa Brigada News FM Naga, binanggit niya na nasa 93.6% ang employment rate sa buong rehiyon na posibleng tumaas pa dahil sa mga jobs fair na ginawa nila na nagbukas ng maraming trabaho sa mga job seekers.

Sa Naga City,ginawa ang jobs fair sa isang mall na dinagsa naman ng maraming mga aplikante para sa local employments at sa mga nagnanais na magtrabaho sa abroad o maging  Overseas Contract Workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *