Panawagan ni PBBM sa pag-review sa sahod ng mga minimum wage earners sa bansa, nararapat lang ayon sa NAPC

Naniniwala ang National Anti-Poverty Commission o NAPC na nararapat lang ang panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos kaugnay sa pag-review sa pagdadagdag ng sahod ng mga minimum wage earners.

Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ng sectoral representative ng NAPC Formal Labor and Migrant Workers Sector na si Edwin Bustillos, nasa kapangyarihan ng Pangulo na atasan ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na suriin ang arawang sahod sa lalong madaling panahon.

Lalo na’t batid rin anya ng Pangulo na hindi na nakakasabay ang sweldo ng mga manggagawa sa kasalukuyang inflation.

Umaasa rin ang NAPC na magiging daan ito para aprobahan ng Pangulo ang 150 pesos na consolidated wage increase na isinusulong sa Kongreso, kung maipapaliwanag sa kanya ang kahalagahan ng kagyat na dagdag sa sahod sa mga manggagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *