Entertainment Journalist – Mario Dumaual, pumanaw na sa edad na 64

PUMANAW na sa edad na 64 ang batikang Entertainment Journalist ng ABS-CBN News na si Mario Dumaual.

Ayon sa official statement ng pamilya nito, pumanaw ang reporter alas 8:01 ng umaga kahapon ng Miyerkules dahil sa ‘septic shock.

Mula sa social media post ng pamilya, sinabi rito na nakayanan malampasan ni Mario ang heart attack at cardiac arrest ngunit nagapi na ng fungal infection ang kakayahan ng katawan nito para maka-recover.

Matatandaan na nitong June 8 nang ibalita ni Miguel Dumaual, na ang kaniyang ama ay na confined sa Philippine Heart Center dahil sa heart attack noong June 5 at nasa kritikal na kondisyon.

Samantala,nagbigay naman ng kanya kanyang pakikiramay ang ilan sa mga nakatrabaho nito sa industriya.### JONADEL GALLEGO, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *