P70M loan, inaasahang tatapos sa problema ng kakulangan ng water supply sa bayan ng Juban

Inaasahang matatapos na ang nararanasang kakulangan sa suplay ng tubig sa bayan ng Juban.

Kasunod ito ng paglagda ng Lokal na Pamahalaan noong nakaraang linggo sa loan agreement na nagkakahalaga P70M sa Landbank of the Philippines na maaaring bayaran sa loob ng 15 taon. 

Ang nasabing halaga ay para sa Level III ng Juban Watersystem Improvement.

Itoi ang nakikitang solusyon ng LGU upang masimulan at agad na matapos ang proyekto na maghahatid ng tubig sa mga kabahayan mula sa watersource sa Sitio Dayhag, Barangay Putingsapa.

Ang loan signing ay sinaksihan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga Department Head ng LGU kung saan naging kinatawan para sa LGU sina Mayor Gloria Alindogan at Vice Mayor Felipe Guasa habang sina Marida Rito at Ricardo Bagagñan ang  kumatawan sa Landbank of the Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *