Grupo ng mga rice traders, bukas sa pakikipag tulungan sa gobyerno para sa mas murang bigas

Willing ang grupo ng mag rice traders na makipag tulungan sa pamahalaan para sa mas abot kaya at magandang kalidad ng bigas sa merkado.

Sinabi ni Philippine Rice Industry Stakeholders Movement o PRISM lead convenor Rowena Sadicon, na umaasa syang maiintindihan ng kanyang mga kasamahan ang posisyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagpapalabas ng Executive Order no. 39 o ang pagtatakda ng price cap sa presyo ng bigas.

Ayon pa kay Sadicon, umaasa silang magiging normal na ang presyo ng bigas sa mga susunod na araw, bunsod na rin ng pagsisimula ng harvest season.

Mababatid na sa price cap na itinakda ng pamahalaan, hindi dapat lalagpas sa 41 pesos ang kada kilo ng regular milled rice, at 45 pesos naman ang kada kilo ng well-milled rice.

Epektibo ang pagpapatupad ng price ceiling sa araw ng Martes, September 05.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *