Ex-ES Vic Rodriguez, tinawag na ‘media play’ ang ginawang pagpapatalsik sa kanya sa partido

Nanindigan si dating executive secretary Vic Rodriguez na hindi kawalan ang ginawang pagpapatalsik sa kanya ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Sa isang panayamm sinabi ni Rodriguez na tila ‘media play’ lamang ang ginawa ng partido.

Paliwanag niya, normal lang naman daw na nagkakaroon ng reorganization sa isang political party pagkatapos ng mga eleksyon.

Ang kataka-taka lamang umano ay kung bakit ipinadala pa ang kopya nito sa media.

Sinabi pa ng dating little president na mas gugustuhin niyang mauksahang ‘disloyal’ sa partido kaysa ‘unfaitful’ sa milyun-milyong bumoto sa Pangulo.

Nag-ugat aniya ang mga alegasyon ng PFP dahil sa pamumulitika kabilang na ang pagbibigay ng posisyon sa ilang mga miyembro ng partido.

Hindi rin umano totoong inabanduna niya ang PFP.

Mahigit 1,000 appointee ni Rodriguez, posibleng masibak sa puwesto

Posibleng masibak sa kanilang puwesto ang nasa 1,5000 appointee ni Rodriguez.

Ayon sa report, sisibakin umano ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga appointee ni Rodriguez sa katapusan ng taon.

Napag-alaman na inihayag umano ni Bersamin na lilinisin niya ang mga kalat ni Rodriguez sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Natuklasan na naging kaliwa’t kanan umano ang pagpapalabas ng appointment paper ni Rodriguez kahit labas na ito sa saklaw ng kanyang posisyon noon sa administrasyon
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *