Filipinas tumaas ang ranking sa FIFA sa no. 49

Isa pang milestone ang nakuha ng Philippine women’s football team nang tumaas ang Filipinas sa no. 49, ito na ang pinakamataas na ranking sa kasaysayan ng kasaysayan.

Bago ito, nanatili ang mga Pinay sa no. 53, na kanilang nakamit noong December 2022.

Sa isang pahayag, sinabi ng Philippines Football Federation na ito ay isang makasaysayang tagumpay para sa bansa at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng koponan, team management , conaching staff at ang dedikasyon, disiplina at sakripisyo ng mga atleta.

Sa kasalukuyan, naghahanda ang squad na makuha ng Round 1 ng Women’s Olympic Football Tournament para sa Paris 2024 Asian Qualification mula April 3 hanggang 11, kung saan makakalaban nito ang Hong Kong, Tajikistan at Pakistan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *