Fire Officer examination na ekslusibo para sa mga Sorsoganon, nailapit na sa Civil Service Commission

SORSOGON CITY-  Umaasa ang Sorsogon City Bureau of Fire Protection na didingin ng Civil Service Commission (CSC) central office ang kahilingan nito na magkondukta ng Fire Officer Examination (FOE) sa laalwigan na para lamang sa mga Sorsoganon.

Ayon kay Acting City Fire Marshall SINSP Dan Romulo A Caceras, ito ang naisip na paraan ng kanilang hanay upang hindi mapagkaitan ng pagkakataon ang mga Sorsoganon na makapag aplay bilang FO1 sa darating na regular quota sa susunod na taon.

Resulta ito sa katatapos pa lamang na abiso ng CSC Bicol na tanging mga aplikante ng FOE lamang mula sa lalawigan ng Albay ang maaari nilang akomodahin sa darating na eksaminasyon sa buwan ng Oktubre upang maiwasan umano ang inter-zonal movements ng mga aplikante, alinsunod sa ipinatutupad ng Legazpi City Interagency Task Force to Combat Rapid Transmission of Covid 19.

Naniniwala naman si Caceras na makikipagtulungan sa kanila ang Civil Service Commission hinggil sa kanilang hiling upang hindi maalisan ng opurtunidad ang mga Sorsoganon na nangangarap maging parte ng BFP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *