Fishing ban sa 3 lugar Oriental Mindoro, inalis na ng BFAR

Inalis na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang fishing ban sa tatlong lugar sa Oriental Mindoro kaugnay ng oil spill sa lalawigan.

Ayon kay Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor, batay sa rekomendasyon ng BFAR, binawi na ang fishing ban sa lungsod ng Calapan at mga bayan ng Bansud at Gloria.

Ito ay matapos na pumasa sa pagsusuri ang kalidad ng tubig at isda sa mga nabanggit na lugar.

Pero mananatili naman umano ang fishing ban sa mga bayan ng Pola, Naujan at Pinamalayan, na nasa 10 hanggang 15 kilometro ang layo mula sa pinaglubugan ng oil tanker na MT Princess Empress.

Nauna ng inalis ang fishing ban sa mga bayan ng Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Bongabong, Mansalay at Roxas matapos pumasa sa quality test ng BFAR.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *