Flight mula PH papuntang Japan, na-delay ng 5 oras dahil sa bomb threat

Limang oras na-delay ang isang flignt mula Pilipinas papuntang Japan dahil sa bomb threat.

Sa ulat ng Bureau of Immigration, na-delay ang alis ng Philippine Airlines flight PR412 patungong Japan matapos makatanggap ng bomb threat ang mga awtoridad ngayong Miyerkules mula sa isang hindi kilalang babae.

Agad na inilikas ang mga pasahero habang sunailalim naman ang eroplano sa security checks bago na-clear para sa departure.

Dahil sa pangyayaring ito, muling nagbabala ang BI sa sinumang magbibiro na maaaring maging banta sa seguridad ay maaaring maharap sa kaukulang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *