Mga senador, wi-nelcome ang utos ni PBBM na irebyu ang minimum wage rates

Nakiisa ang mga senador sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na irebyu ang minimum wage rates sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Senate President Migz Zubiri, marapat lang na rebyuhin ng Tripartite Wage and Productivity Boards ang tungkol dito dahil tila hindi na nakakasunod ang mga ito sa patuloy na pag-upward trend ng inflation rates.

Samantala, tiwala naman si Senate Majority Leader Joel Villanueva na makatutulong ang naging hakbang ng pangulo sa pagtitiyak na magiging sapat ang sahod ng mga manggagawa sa kanilang pang-araw araw na gastusin.

Maliban pa roon, napapanahon na rin umano ang pagsasagawa nito ayon kay Senador Sonny Angara dahil sa dami ng mga Pilipinong umaaray na sa taas ng bilihin habang kakarampot lang ang kanilang sweldo.

Kaugnay nito, umaasa si Zubiri na mabibigyang-pansin na rin ng pangulo ang pagkonsidera sa kanilang apela na P100 Daily Minimum Wage Increase Act o dagdag na P100 na umentong sahod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *