Food shortage nararanasan sa N. Korea – Kim Jong-un

Kinumpirma ni North Korean President Kim Jong-un na nahaharap ang kanilang bansa ng food shortage.

Sinabi ni President Kim na bigo ang agricultural sector na maabot ang kanilang target dahil sa mga bagyo na nagdulot ng pagbaha.

Napag-alaman din na tumaas ang presyo ng mga pagkain sa North Korea kung saan umabot sa $45 ang presyo ng kada kilo ng saging.

Una nang isinara ng North Korea ang kanilang borders para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Isa sa mga inaasahan ng North Korea ng food supplies, pataba at fuel ang China.

Kasama din sa struggle ngayon ng North Korea ang international sanctions na ipinataw sa kanila dahil sa kanilang nuclear programmes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *