Biyahe ng bus mula Maynila-Naga at vice versa aarangkada na

NAGA CITY- Lalarga na ang unang biyahe ng bus ngayong 2021 mula Maynila patungong Naga City at Vice Versa.

Ito ay ayon kay Bicol Central Station Terminal Manager Nonoy Reforsado. Aniya nagpaabot na ng impormasyon ang DLTB Bus company na bukas na ang booking simula kahapon, subalit isang bus pa lamang ito kahit na limang units ang naaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Ang unang point-to-point na biyahe mula sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange o PITX patungo sa Bicol Central Station ay sa June 24, 2021 at ang pabalik naman ay magsisimula sa June 25, 2021 parehong alas 6 ng gabi sa pamasaheng P757.00.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Reforsado sinabi nito na hindi pa nakokompleto ng apat na bus company ang mga requirements ng LTFRB kung kayat hindi pa makakasabay sa June. 24 at 25. Kung makapag comply na lahat, 32 buses sana ang babiyahe.

Panalangin ni Reforsado hindi ito maging daan sa pagkalat pa ng virus , nakalatag naman aniya ang mga kinakailangang ipresenta ng mga outbound at inbound passengers at istrikto rin ang PITX pati sa Del Gallego Border Control Point. Ang paglabag ng pasahero ay hindi dapat kunsintihin.

Samantala, ang mga fully vaccinated na ay 7-araw na lamang sasailalim sa home quarantine, subalit imomonitor pa rin ng Barangay Health Emergency Response Team o BHERT ang pagsunod. Habang babantayan din ang sarili kung may sintomas. Ito ay alinsunod sa guidelines ng IATF para sa interregional travel.

Ang mga papunta sa ibang bahagi ng Camarines Sur ay mag coordinate din sa kani-kanilang LGU kung ano ang dapat ipresenta sa border point.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *