State of emergency sa Tokyo tatangalin na 5-linggo bago ang Olympics

Nakatakdang alisin ang state of emergency sa Tokyo Japan limang linggo bago ang pagsisimula ng Olympic games.

Ayon sa report, “in place” ang emergency COVID-19 restrictions sa Tokyo at iba pang prefectures mula pa noong Abril sa gitna ng surge ng infections na siyang aalisin sa mga susunod na linggo.

Sa kabila nito, mananatili ang ilang restrictions at emergency measures kabilang ang paglimita sa bilang ng mga spectator sa mga malalaking events.

Una nang nagpahayag ng pangamba ang maraming grupo sa pagho-host ng Japan sa Olympics dahil sa peligro ng pagdami ng infections.

Nanawagan naman si Japanese Prime Minister Yoshihide Suga sa mga kababayan niya na suportahan ang Olympics at panoorin na lang ang mga laro sa telebisyon kaysa manood ng personal.

Nakatakdang magsimula ang Tokyo Olympics sa July 23.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *