Galit ng Pangulo sa ICC, justified bilang lider ng isang sovereign country – Palasyo

Naniniwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na justified ang galit ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa International Criminal Court.

Reaksyon ito ni Roque sa pagmumura at pagtawag ng Pangulo sa ICC bilang baliw dahil sa hiling ni prosecutor Fatou Bensouda na full investigation sa drug war ng Pilipinas.

Sinabi ni Roque na wala dapat hurisdiksyon ang international tribunal sa Pangulo.

Tulad ng Punong Ehekutibo ay minura rin ni Roque ang ICC dahil sa panghihimasok nito sa problema ng Pilipinas na isang sovereign country.

Iginiit ni Roque na ang mga Pilipinong piskal at hukom lang ang pwedeng mag-imbestiga o magkaso sa Pangulo.

Mababatid na makikita sa 52-pahina na ulat ni Bensouda ang ilan police reports, ang human rights group Amnesty International, news agencies, at pamilya ng mga napatay, at ang kanilang councel at sources na kamakailan ay nag-redact ng kanilang statement.

Base sa ilang sources ay lumabas na nasa 6,000 tao na ang napatay sa lehitimong anti-drug police operations habang nasa 12,000-30,000 naman ang napatay ng vigilantesng mga miyembro ng Pambansang Pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *