Germany, magbibigay ng surveillance drones sa PCG sa gitna ng tensyon sa WPS

Magbibigay ng dalawang surveillance drones ang bansang Germany sa Philippine Coast Guard matapos maghayag ng kanilang pagkabahala sa tensyon sa pagitan ng Maynila at Beijing sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni German Ambassador to the Philippines Andreas Michael Pfaffernoshke, makakatulong ang mga drones na ito sa pagsasagawa ng survey sa West Philippine Sea.

Ang Germany ay isa sa mga enthusiastic defender ng international word order ng United Nations.

Sabi pa ng Ambassador, ang Ayungin ay malinaw na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *