Gilas women try-outs, isasagawa sa US

Plano ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, kasama ang Fil-Am Nation Select, na isagawa ang Gilas Pilipinas Women’s preliminary pool tryout sa Estados Unidos sa June 4 at 5.

Makakatulong ang dalawang araw na tryout kay Gilas Women head coach Patrick Aquino na ma-assess ang mga prospects na pwedeng maging bahagi ng national team pagdating ng mga major international events sa hinaharap.

Ipinunto naman sa invitation ng Gilas Pilipinas Women’s National Program at ng Fil-Am Nation Select, na tatalakayin nila ang mga kinakailangan na dokumento ng isang atleta para maging eligible na makapaglaro at makipagkompitensya sa FIBA tournaments.

Ibinunyag naman ni Cris Gopez, na isa sa mga founder ng Fil-Am Nation Select, ang kumpletong listahan ng invitees, kung saan ay mapapansin ang ilang mga kilalang pangalan tulad nina Chanelle Molina, Vanessa de Jesus, at Ella Fajardo na makakasama ng 24 na iba pang rising stars.

Ang 5-foot-9 na si Molina ay kabilang sa mga nakapirma sa isang training camp deal kasama ang Indiana Fever ng WNBA, ngunit hindi natuloy dahil sa kanyang injury.

Si De Jesus naman, na recruit ng Duke University sa US NCAA Division I ay matagal nang nasa radar ni Aquino at sa katunayan ay inaayos nito ang mga dokumento para makakuha ng Philippine passport ang nasabing Pinay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *