Giyera sa ibang bansa, malaking hamon pa rin sa mga OFW- OWWA Bicol

NAGA CITY- Malaking hamon ngayon sa mga Bicolanong Overseas Filipino Workers (OFW)  ang giyera sa ibang bansa.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Regional Director Zenainda Ramos nang personal nitong pasinayaan ang Migrants Café sa Naga City. Aniya mahirap kapag ka unstable o may disruption sa trabaho.

Kahapon, nanawagan si Sen. Francis “Tol” Tolentino sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na protektahan at tiyaking ligtas ang mga Pilipino sa Middle East lalo na’t sinalakay ng Iran ang Israel, gamit ang mga drone at missiles. Sa tala ng DFA, umaabot sa mahigit dalawang milyon ang 2,221,448 ang OFW naninirahan sa 16 na bansa sa Middle East.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *