Heat index warning criteria na inadopt sa Albay, kauna-unahan sa buong pilipinas – APSEMO

LEGAZPI CITY – Inadopt na sa Albay ang heat index warning criteria na kauna-unahan sa buong Pilipinas bilang basehan sa pagdedesisyon lalo na pagdating sa pagsususpinde ng mga klase at trabaho.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) Chief Dr. Cedric Daep, sinabi niya na kasama sa pagbuo ng nasabing criteria ang mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan tulad ng OCD Bicol, City Schools Division Offices pati narin ang Albay Schools Division Office.

Isa sa mga nakapalaman sa criteria na kapag umabot na sa extreme danger o 52°C pataas ang temperatura, dito na magdedeklara ng state of calamity kasabay pa ang posibilidad ng pagsuspinde ng mga trabaho at pagpatupad ng alternatibong work arrangements.

Binigyang-diin ni Daep, kahit pa walang umiiral na El Niño o dry spell, basta’t nasa dry season, ang criteria na ito ang kanilang pagbabasehan kapag tumaas ang temperatura anumang oras.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *