Grade 7 student mula Lobo Batangas, nagkamit ng gintong medalya sa triple jump sa Division meet 2024

Balayan, Batangas – Nasungkit ng isang Grade 7 student, mula sa Lobo National High School ang gintong medalya para sa Triple Jump Secondary Level sa naganap na Division meet 2024.

Siya ay si Angel Raz, labing tatlong taong gulang, mula mismo sa Lobo, Batangas.

Ayon kay Angel, nagsimula siyang matuto ng triple jump noong siya ay nasa ikatlong baitang pa lamang.

Isa raw sa nagsisilbing inspirasyon niya ay ang kanyang kuya na isa ring manlalaro sa ganitong larangan.

Labis naman ang saya ni Angel sa kanyang pagkapanalo dahil hindi umano niya inaasahan ang kanyang pagkapanalo dahil marami raw siyang magagaling na kalaban.

Payo niya sa mga kapwa kabataang nagnanais din maging katulad niya, huwag matakot sumubok at huwag mawawalan ng pag-asa.

Sa ngayon ay naghahanda na si Angel para sa kanyang susunod na laban sa Regional Athletic Association Meet o RAAM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *