Granular lockdowns, hindi magiging epektibo kung…

Hindi magiging epektibo ang pagpapatupad ng alert level system with granular lockdowns kung hindi ito sasabayan ng testing, tracing at ayuda.

Ito ang inihayag nila Senator Nancy Binay at Iloilo Representative Janette Garin.

Ayon sa mga mambabatas, tila nagiging paiko-ikot lamang ang pamahalaan sa pagpapatupad ng community quarantine ngunit hindi naman ito nagiging mabisa.

Inihalimbawa ni Binay ang Vietnam na kung naka-lockdown aniya ay may kaakibat itong maigting na testing.

Dito naman aniya sa Pilipinas, kapag nasabi na may ipapatupad na bagong restriksyon, basta na lamang sasabihin ngunit wala namang matibay na aksyon.

Dagdag naman ni Garin na ang lockdown ay hindi cure o lunas sa pandemya.

Kung may lockdown aniya pero wala ring gagawing malawakang tracing at testing, useless din lamang ito at ekonomiya lamang ang gagalaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *