Moderna, humihingi ng US approval para sa 2nd COVID booster shot

Inanunsyo ng Moderna na humiling ito ng emergency authorization para sa second booster shot ng COVID-19 vaccine ng kompanya mula sa drug regulator ng Estados Unidos.

Ayon sa Moderna, ang request nito sa US Food and Drug Administration (FDA) ay magpapahintulot sa fourth dose ng COVID-19 vaccine para sa adults na 18-anyos pataas na nakatanggap na ng initial booster.

Nagpasa ng request ang Moderna ilang araw matapos ang paghingi ng makers ng COVID mRNA vaccine mula sa Pfizer-BioNTech ng emergency approval para sa second booster shot.

Gayunman, limitado lamang para sa mga indibidwal na edad 65 anyos pataas ang request ng Pfizer.

Ipinunto naman ng Moderna sa hiwalay na pahayag na mas malawak ang sakop ng request nito upang magkaroon ng “flexibility” ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at healthcare providers sa pagditermina ng nababagay na gamit sa second booster, katulad na lamang nang para sa seniors o immunocompromised.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *