Habagat, magdadala ng kalat-kalat na ulan sa 5 areas

Inaasahang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang southwest monsoon o Habagat na may kasamang thunderstorms sa Mindanao, Western Visayas, MIMAROPA, Zambales, at Bataan.

Kaugnay nito, binalaan ng Pagasa ang mga apektadong residente laban sa posibleng flash floods o landslides sa oras na katamtaman hanggang sa kung minsa’y malakas ang ulan.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers o thunderstorms ang inaasahan sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa dahil sa Habagat at localized thunderstorms.

Sa kabilang dako, ang binabantayan namang tropical depression Fabian ay huling namataan sa 1,320 kilometers silangan ng Northern Luzon na may maximum sustained winds na 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 55 kph.

Mabagal na kumikilos naman ito pa-northward na direksyon. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *