Habagat, magdadala ng rainshowers, thunderstorms sa NCR, 7 areas

Asahang magdadala ng maulap na kalangitan ang Habagat na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa National Capital Region at pitong iba pang lugar.

Ayon sa Pagasa, ilan sa mga lugar na makakaranas ng naturang panahon ay ang National Capital Region, Central Luzon, Western Visayas, Pangasinan, Cavite, Batangas, Palawan, at ang Mindoro Provinces.

Binalaan naman ang mga apektadong residente laban sa posibleng flash floods o landslides dahil sa kalat-kalat na katamtaman hanggang sa kung minsa’y malakas na ulan.

Maliban dito, ang monsoon at ang Intertropical Convergence Zone ay inaasahan ring magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa iba bahagi ng bansa.

Babala ng weather bureau, posible rin ang flash floods at landslides dahil sa severe thunderstorms. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *