Halaga ng pinsala sa Mindanao, umakyat na sa mahigit kalahating bilyon

Umakyat na sa mahigit kalahating bilyon ang iniwang pinsala sa imprastrkatura na dulot ng epekto ng Northeast monsoon at trough ng Low pressure area sa ilang rehiyon sa Mindanao.

Sa datus ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC , 583M ang cost of damage na naitala sa imprastraktura sa Region 11 at CARAGA.

Kasalukuyan naman kinakalap pa ng Department of Agriculture ang datos upang mabatid kung magkano ang iniwang pinsala sa sektor ng agrikultura.

Samantala, nasa halos P154M tulong na ang naipagkaloob ng pamahalaan sa mga apektadong residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *