Mga atletang Catandunganon na makakakuha ng gintong medalya sa Palarong Bicol 2024, makakatanggap ng brand new shoes sa kanilang gobernador

BNFM Bicol- Makakatanggap ng Brand New Shoes ang mga atletang Catandunganon na makakasungkit ng gintong medalya sa nagpapatuloy na Palarong Bicol 2024 sa lalawigan ng Albay.

Ito ang kinumpirma ni Catanduanes  Governor Joseph “Boboy” Cua para magbigay ng dagdag na motibasyon habang nakikipaglaban sa naturang kompetisyon.

Ayon sa Gobernador na paghusayan at lalo pa aniyang galingan ng mga atletang Bagwis Catanduanes.

Sa pinakahuling tala ng Department of Education Regional Office V, sa kanilang Partial and Unofficial rangking, makikita na nangunguna ang Naga City, sinundan ng Albay at pumangatlo naman ang Legazpi City. ### KENNETH BERMIL

Image: KD Teocson

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *