Halos kalahating milyong pisong halaga ng iligal na droga, nasamsam sa anti-drug operation ng PDEA sa Virac, Catanduanes

Virac, Catanduanes — Halos kalahating milyong pisong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga otoridad mula sa tatlong drug suspect sa isinagawang Anti-Drug Operation sa Brgy. Palnab Del Norte, bayan ng Virac Catanduanes.

Batay sa ulat ng mga otoridad, positibong narekober mula sa tatlong drug suspect ang 22 pakete ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang bigat na humigit kumulang 70 gramo at may market value na aabot sa P476,000.

Nakilala ang mga naaresto na sina alyas “Aiz”, 34 anyos, dalaga at residente ng Barangay San Pablo, Virac  kabilang sa DI drug watch listed before resumption at kasama sa PPO Recalibrated Priority Database on Illegal Drugs; alyas “Men-men”, 29 anyos, binata at kasintahan ni “Aiz”, isang mekaniko at residente ng Palnab Del Norte, Virac at si alyas “Kalag”, 46 anyos, walang asawa, isang tricycle driver at residente ng Barangay Palnab Del Norte at kabilang din sa DI drug watch listed before resumption at sa PPO Recalibrated Priority Database on Illegal Drugs.

Batay sa report, si “Aiza” ay aktibo sa pakikipagtransaksyon at pagtutulak ng shabu sa mga parokyano na umuupa sa mga lodging house at inn sa Bayan ng Virac. Ang kontrabando ay nagmula sa isang big-time na supplier na nakabase sa Maynila.

Ayon sa PNP,  inabot sila ng halos dalawang buwan sa pagmanman sa galaw ng mga nasabing suspek bago matagumpay na naisagawa ang operasyon.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ang mga ito ng Virac PNP habang inihahanda ang kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa mga ito.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *