Comelec Satellite Registration isasagawa sa mga barangay na walang Covid-19 case sa loob ng 14 days

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Atty Michael Angelo Laurio ang Officer in Charge ng Commission on Election ng (COMELEC) Legazpi na maaari ng magtungo sa kanilang opisina para sa pagpapalista o schedule ng Satellite Registration.

Ayon kay Atty Laurio, maaari ng magsagawa ang isang barangay na satellite registration kung walang naitatalang kaso ng coronavirus disease (covid)19 sa loob ng 14 na araw.

Aniya, kailangan tiyakin ng ahensya na walang positibo sa naturang sakit ang barangay upang maiwasan ang pagkakahawaan ng mga empleyado at residente.

Bago man maisagawa ang nasabing registration sa barangay ay nakikipag-ugnayan muna ito sa City Health Office o Department of Health (DOH) upang masiguro ang kaligtasan ng bawat residente.

Dagdag pa nito, kailangan sundin ang minimum health standard tulad ng pagsusuot ng facemasks, faceshield, social at physical distancing.

Sinabi ng opisyal, hinihikayat ng mga ito ang mga residente na hindi pa nakapagrehistro sa comelec ay kinakailangan na makapagpatala na ito upang makapagboto sa darating na election.

Inaasahan din ng Comelc Legazpi ay makapagsimula ng satellite registration sa susunod na linggo sa mga barangay na walang covid 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *