Harry Styles, Adele, Ed Sheeran,tumangging magtanghal sa coronation ni King Charles III’s

Tumangging mag perform sa coronation ni King Charles III’s sa Mayo ang mga singers na sina Adele at Ed Sheeran at Harry Styles dahil raw sa pagiging unavailble ng mga ito.

Sinabi ni Sheeran na ginawa niya ito dahil sa logistics at sa kanyang patuloy na world tour. Bukod pa rito, ang paglalabas ng kanyang paparating na album.

Tumanggi rin si Harry dahil sa kanyang patuloy na “Love On Tour”.

Samantala, tinangka rin ng Buckingham Palace na mag reunite ang Spice Girls para sa coronation concert, ngunit hindi ito nagtagumpay.

Ito ang magiging unang koronasyon ng Great Britain sa loob ng 70 taon, nang ang ina ni Charles na si Elizabeth II ay kinoronahan noong 1953. Namatay ang reyna noong Setyembre ng nakaraang taon kaya agad na umakyat sa trono si Charles.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *