Health officials sa Northern Mindanao, nilinaw na wala pang confirmed Nipah virus outbreak sa Cagayan de Oro

Tiniyak ng mga opisyal ng Department of Health-Northern Mindanao sa publiko na walang kumpirmadong kaso ng ‘Nipah virus’ o NiV sa kanilang lugar.

Ito ay sa gitna ng mataas na kaso ng lagnat sa mga paaralan kung saan – nagpatupad na ng online classes ang ilang eskwelahan sa Cagayan de Oro.

Umapela naman sila sa mga paaralan na ipaalam sa kanilang tanggapan ang mga kaso ng pananakit ng ulo at iba pang sintomas tulad ng trangkaso.

Hinikayat ng mga health expert ang publiko na magsuot ng face mask, proper hand washing at magsagawa ng wastong ettequite sa pag-ubo.

Samantala sinabi ni Dr. Elenietta Gamolo, DOH-10 officer-in-charge, na makikipagtulungan sila sa City Health Office para sa mahigpit na monitoring fever cases sa mga paaralan.

Ang NiV ay karaniwang naililipat mula sa mga hayop patungo sa mga tao, at ang mga tao ay maaaring mahawa kung sila ay in contact sa isang nahawaang hayop o sa mga body fluids nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *