Herd immunity sa Cauayan City sa katapusan ng buwan ng nobyembre, tiwalang maabot – Mayor Bernard Dy

Kumpyansa si Cauayan City Mayor Bernard Dy na maaabot ang herd immunity o 70% ng target na mabakunahan kontra COVID-19 sa lunsod hanggang sa katapusan ngayong November.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Mayor Dy, sinabi niya na sa ngayon ay mayroon ng halos 60,000 na mga indibidwal ang nabakunahan ng first dose habang aabot naman sa 30,000 ang naka-second dose na.

Aniya, nasa 3,000 individuals ang target na mabakunahan kada araw at kung magpapatuloy ang magandang usad ng vaccination ay posibleng maabot ang 38,000 na natitirang bilang para makamit ang herd immunity sa lunsod.

Nag-hire na rin aniya ang lokal na pamahalaan ng karagdagang vaccination team.

Kaugnay nito ay hinihikayat ni Mayor Dy ang mga kababayan para sa kanilang kooperasyon at magpabakuna upang maabot ang target na mabakunahan.

Aminado kasi ang alkalde na mayroon pa rin ilang nag-aalinlangan sa bakuna.

Umaasa naman siya na magkakaroon ng mas maligayang pasko ang kanyang mga kababayan sa oras na makamit na ang herd immunity ng syudad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *