Higit 1.1M na halaga ng pekeng sigarilyo nasabat ng Botolan MPS at ng STG ICP

Nasabat sa ginawang joint operation ng Zambales Special Task Group Intensified Cleanliness Policy o STG ICP at Botolan Police ang higit isang milyong halaga ng pekeng sigarilyo sa apat na suspek na nakipagkasundo sa bentahan sa Botolan, Zambales bandang alas kwatro kahapon.

Ang mga suspek na lulan ng puting Mitsubishi L300 van ay sina Marlon Garcia, residente ng Balibago, Angeles City Pampanga at Felipe Valdez, residente ng Baliti, San Fernando Pampanga habang sa gray hi-ace mitsubishi van naman ay sina Joryson Tawatao at Melody Tawatao pawang mga residente ng Barangay San Lorenzo, Masinloc, Zambales.

Nakumpiska sa mga suspek ang 455 reams ng fortune, 999 reams ng sigarilyong two moon at limampung reams ng sigarilyong mighty na sa kabuuan ay may market value na 1,195,400 pesos.

Ayon kay Pmaj. Rolando Ballon, hepe ng Botolan Mps, mismo ang representante ng Philip Morris Fortune Tobacco Corporation ang kasama ng mga otoridad at nagkumpirmang peke ang mga nasabat na produkto.

Sa ngayon pansamantalang nakadetine ang mga suspek sa custodial facility ng Botolan Mps na mahaharap sa kasong paglabag sa Intellectual Property Code of The Philippines.//Russell Banawa-BNFM IBA

May be an image of text that says 'NUTRI CLEANSE HERBAL CAPSULE "Linis Tiyan, Sexy Tiyan" OVER 50% OF DEATHS ARE FROM OBESITY-RELATED CHRONIC DISEASES. Diabetes Stroke Others Heart Disease Cancer'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *