Higit 1, 700 dumalo sa Annual Marian Youth Congress 2023 sa Naga City

NAGA CITY – Nasa higit 1,700 mga partisipante ang dumalo ngayong taon sa taunang Marian Youth Congress (MYC) na sabay-sabay na ginanap sa apat na magkakaibang unibersidad at establisyemento sa lungsod ng Naga.

Ang MYC ay dalawang-araw na pagtitipon ng mga kabataan sa rehiyong Bicol na kinabibilangan ng mga pribado at pampublikong paaralan, mga parokya at mga religious organizations kung saan nagkakaroon ng mga plenary at immersion session na naglalaman ng mga aral tungkol kay Ina at kung pano ito maisasabuhay ng mga kabataan.

Sa pakikipanayam ng Brigada News FM Naga kay Fr. Daniel Vegas, Caceres Youth Commission Director, ang pagkakaroon ng ganitong formation event ang kanilang paraan upang maihatid sa mga kabataan ang malalim na pagdebosyon kay Ina patungo kay Jesus. Dagdag pa ng pari, ibang-iba ang MYC ngayon kumpara noong mga nakaraang taon.

Umaasa si Fr. Vegas na maisasabuhay ng mga partisipante ang kanilang mga natutunan sa formation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *