Higit 33,000 mga magsasaka sa region 12, validated na para sa RFFA

KORONADAL CITY- UMABOT na sa 33, 370 na mga magsasaka ang naisailalim sa validation ng Department of Agriculture o DA Region 12 para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund- Rice Farmers Financial Assistance o RCEF- RFFA.

Ito ay batay sa datos noong Marso 31, 2022.

Ang RFFA ay mula sa excess rice tariff na nakolekta ng Bureau of Customs sa mga inimport na bigas.

Sa ilalim ng RFFA, ang mga target beneficiaries na sinasakang dalawang ektarya pababa ay makakatanggap ng tig P 5, 000 na unconditional cash assistance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *