Higit 400 Batangueño, nakatanggap ng AICS assistance; Sen. Go, namahagi rin ng tulong

Pinangunahan ni Senator Christopher Bong Go ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng Bagyong Paeng sa Brgy. Gulod, Calatagan, Batangas.

Nakatanggap ng tig P3,000 na AICS assistance ang mga benepisaryo na ipinamahagi sa pamumuno ng DSWD CALABARZON.

Maliban sa financial assistance ay namahagi rin ang senador ng food packs, face masks, wheel chair, vitamins, tungkod, bike at mga bola.

Namigay din ng cellphone at mga sapatos ang senador na siya mismo ang nagsukat sa mga nakatanggap.

Bago pa man ang awarding ng ayuda ay pinangunahan ng senador ang ground breaking ng itatayong Super Health Center sa Brgy. Gulod.

Ang naturang health center ay magbibigay ng mas advanced na serbisyo dahil sa mga makabagong gamit sa serbisyong pang medikal.

Inanunsyo rin ng senador na magtatayo rin ng suoer health center sa iba pang bayan sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *