Mahigit 6 na libong ePhilID naipalabas ng PSA sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 6, 483 ePhilID ang naipalabas ng Philippine Statistics Authority sa lalawigan ng Camarines Norte hanggang nitong November 6.

Ayon sa ahensiya mas marami pa ito sa mga susunod na araw dahil mayroon nang listahan ng lahat ng available na ang ePhilID at idi- deliver na lang sa kada barangay.

Hindi rin lahat nang nakapagparehistro na ay mayroon nang ePhilID.

Ang printable version ng ePhilID ay ang pansamantalang gagamitin ng mga nakapagrehistro na sa PhilSys habang naghihintay sa pagdating ng kanilang mga ID.

Magkakaroon lang nito ang isang indibidwal kung ito ay nakapagparehistro na sa step 2 registration at available na ang Transaction reference Number (TRN) at ePhilID.

Target kasi ng PSA national Office na makapagpalabas ng 50 milyong national ID cards hanggang matapos ang taong 2022.

Noong Agosto ay inihayag ni PSA Deputy National Statistician Fred Sollesta na pabibilisin na ang card production sa tulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP.

Ang printable at digital versions ng National ID ay mayroong katulad na features ng physical cards, kagaya ng unique QR code na mai-scan para sa authentication.

Ito ay maaari nang gamitin sa pakikipag transaksyon sa mga opisina bilang valid proof ng pagkakakilanlan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *