Higit P100M na pondo, inilaan sa mga magsasakang apektado ng el niño

Magbibigay ng tulong ang Department of Labor and Employment Region 2 sa mga magsasakang apektado ng El Niño sa pamamagitan ng TUPAD Program kung saan mahigit P100,000,000 ang inilaang pondo.

Nagsasagawa na ngayon ang kagawaran katuwang ang Department of Agriculture ng pagsusuri upang matukoy ang mga magiging benepisaryong magsasaka sa rehiyon.

Ilan sa tinitignan ay mga magsasakang nangungupahan ng lupang sinasaka, crop growers at iba pang mga manggagawa sa sector ng agrikultura at kabilang na rito ang 2,000 na magsasakang bahagi ng irrigators association ng NIA.

Ang mga matutulkoy na benepisaryo ay sasailalim sa emergency employment ng TUPAD program kung saan tatanggap ang mga ito ng P4,500 bawat isa bilang sahod sa sampung araw na paglilinis sa mga irigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *