Higit tres pesos na taas-presyo sa mga produktong petrolyo – kasado na simula bukas

Simula bukas, unang araw ng Agosto, ay lalarga na ang malakihang taas-presyo sa lahat ng produktong petrolyo.

Sa abiso ng oil companies, magtataas ng P3.50 ang kada litro ng diesel.

Mayroon ding idaragdag na P2.10 sa kada litro ng gasolina; habang P3.25 naman ang umento sa kada litro ng kerosene.

Kung maaalala, ito na ang ika-apat na linggong sunud-sunod na price hike sa mga oil prices.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *