Hindi bababa sa 25 katao nasawi sa tornado sa Mississippi

Hindi bababa sa 25 katao ang nasawi matapos manalasa ang isang tornado sa southern US state ng Mississippi.

Ang buhawi na sinamahan ng mga pagkulog at pag-ulan ay tumawid nang higit sa 100 milya o 60 kilometro sa buong Mississippi.

Maraming tirahan sa Mississippi, Alabama at Tennessee ang nanatiling walang kuryente.

Samantala, nangako si US Presidente Joe Biden, na dadalhin ang lahat ng federal resources sa mga naapektuhang lugar upang agad na makabangon ang mga residenteng apektado.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *