Tatlo katao nasawi sa pagsabog sa isang chocolate factory sa US

Tatlo katao ang nasawi sa pagsabog sa isang chocolate factory sa Pennsylvania.

Ayon sa mga rescuers, apat na indibiwal pa ang hinahanap at nagpapatuloy ang search and rescue operation sa planta ng RM Palmer Company sa West Reading borough.

Iniimbestigahan pa rin ang sanhi ng pagsabog.

Ayon sa website nito, ang RM Palmer ay gumagawa ng mga seasonal chocolate novelties tulad ng Easter bunnies at heart-shaped Valentine’s Day sweets mula noong 1948.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *