Hontiveros, binigyan ng bagsak na grado si Duterte

Binigyan ni Senator Risa Hontiveros ng bagsak na grado si Pangulong Rodrigo Duterte, kaugnay sa paghawak ng gobyerno sa COVID-19 pandemic at ang malaking bilang ng mga Pilipinos na nawalan ng kanilang trabaho.

Paliwanag ni Hontiveros, kabuoan umano, ang total grade ng senadora sa administrasyon ay mas malapit sa one kaysa sa mas malapit sa 10, kasama na ang usapin sa health, economic, at national sovereignty grades.

Giit ni Hontiveros, ang huling State of the Nation Address ni Duterte ay huling pagkakataon ng administrasyon na matugunan ang korapsyon sa gobyerno at mga isyu na bumabalot sa mga programa para sa mahihirap, vaccination, at sa West Philippine Sea.

Ang naturang apat na items, ay isa rin sa mga inaasahan ni Hontiveros na matatalakay ni Duterte sa kanyang SONA sa susunod na linggo. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *