Hontiveros, isinusulong ang resolusyong  pag-iimbestiga sa pagkamatay ng mistaken identity victim na si Jemboy Baltazar

Isinusulong ni Senadora Risa Hontiveros ang resolusyong panawagan sa Senado na imbestigahan ang pagpatay sa 17-anyos na si Jerhode “Jemboy” Baltazar.

Hinimok nito ang mga senador na usisain ang paggamit ng nakamamatay na puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa panahon ng anti-crime operations.

Dagdag pa ng senadora, sa paghahain ng resolusyon, ay itinaas din ang pangangailangang imbestigahan kung bakit iniutos ni Navotas City Police Chief Col. Allan Umipig na tanggalin ang 11 pangalan ng mga pulis.

Ayon kasi kay Hontiveros, ang mga sangkot na pulis ay kasalukuyang nahaharap lamang sa kasong kriminal para sa reckless imprudence, habang ang Navotas City Police Chief ay nahaharap lamang sa mga kasong administratibo para sa dishonesty.

Sa huli, sinabi nitong ang pagtanggal ng posisyon sa mga pulis ay hindi hustisya para kay Jemboy at sa pamilya Baltazar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *