House Speaker Romualdez, bumisita sa Albay; pinakamalaking ospital sa Bicol, ininspeksyon

LEGAZPI CITY – Bumisita sa lalawigan ng Albay si House Speaker Martin Romualdez upang tingnan ang proyekto na isa sa pinakamalaking ospital sa Bicol Region, kung saan kasabay nito sa pag-iikot sina Albay 2nd District Cong. Joey Sarte Salceda, Dr. Eric Raborar at iba pang opisyal ng ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Romualdez, iniinspeksyon nito ang itinatayong 20-palapag na specialty hospital ng Bicol Regional Hospital and Medical Hospital (BRHMC), kung saan kikilalanin ito sa buong Southern Luzon na pinakamodernong pagamutan.

Ang pondo umano rito ay ilalagay sa mga pagamutan para sa cancer, kidney, liver at heart center ng Bicol at kokompletuhin na rin ang mga makabagong gamit at mga doktor.

Malaking tulong umano sa mga Bicolano at Albayano na magkaroon ng malaking ospital upang hindi na mahirapan pa ang mga pasyente na magtungo sa Metro Manila para lamang magpagamot dahil mayroon na ring kakayahan ang ospital na gumamot ng mga pasyente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *